1 Mga Taga-Tesalonica 1–2
Tumalikod kayo sa mga diyus-diyosan tungo sa Diyos
Ito ang pinakaunang liham na isinulat niya, sa isang iglesyang ilang linggo pa lamang nang itaboy siya sa bayan. Naalala niya ang gawa ng kanilang pananampalataya at ang pagpapagal ng kanilang pag-ibig, at na sila ay naging halimbawa sa lahat sa Gresya. Pagkatapos ay sinagot niya ang anumang sinabi tungkol sa kanya matapos siyang umalis: hindi siya dumating na may mapanuyang salita o balatkayo ng kasakiman, kundi naging mahinahon sa gitna nila, gaya ng isang yayang nag-aaruga sa sarili niyang mga anak.
Mga awit para sa pangyayaring ito











