35:1At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon, na inyong gagawin.
35:2Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin.
35:3Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath.
35:4At sinalita ni Moises, sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, na sinasabi,
35:5Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso;
35:6At kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng kambing;
35:7At mga balat ng tupang lalake na tininang pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;
35:8At langis na pangilawan, at mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong kamangyan:
35:9At mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, na pang-epod, at pangpektoral.
35:10At pumarito ang bawa't matalino sa inyo, at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon;
35:11Ang tabernakulo, ang tolda niyan, at ang takip niyan, ang mga kawit niyan, at ang mga tabla niyan, ang mga barakilan niyan, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan niyan;
35:12Ang kaban, at ang mga pingga niyan, ang luklukan ng awa, at ang lambong ng tabing;
35:13Ang dulang at ang mga pingga niyan, at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang tinapay na handog;
35:14Ang kandelero rin naman na pangilaw, at ang mga kasangkapan niyan, at ang mga ilawan niyan, at ang langis na pangilawan;
35:15At ang dambana ng kamangyan at ang mga pingga niyan, at ang langis na pangpahid, at ang mabangong kamangyan, at ang tabing na pangpintuan sa pintuan ng tabernakulo;
35:16Ang dambana ng handog na susunugin, sangpu ng salang tanso niyan, at lahat ng mga kasangkapan niyan, ang hugasan at ang tungtungan niyan;
35:17Ang mga tabing sa looban, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan ng mga iyan, at ang tabing sa pintuan ng looban;
35:18Ang mga tulos ng tabernakulo, at ang mga tulos ng looban, at ang mga panali ng mga iyan;
35:19Ang mga mainam na yaring kasuutan sa pangangasiwa sa dakong banal, ang mga banal na kasuutan kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
35:20At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay umalis sa harap ni Moises.
35:21At sila'y lumapit, lahat ng tao na napukaw ang kalooban, at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa, at nagdala ng panghandog sa Panginoon, sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan, at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan.
35:22At sila'y naparoon, mga lalake at mga babae, yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob, at nagdala ng mga espile, at ng mga hikaw, at ng mga singsing na panatak, at ng mga pulsera, ng madlang hiyas na ginto; sa makatuwid baga'y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon.
35:23At bawa't taong may kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng mga kambing, at balat ng mga tupa na tininang pula, at ng mga balat ng poka, ay nangagdala.
35:24Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso, ay nagdala ng handog sa Panginoon: at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa na paglilingkod ay nagdala.
35:25At lahat ng mga babaing matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay, at dinala ang kanilang mga hinabi, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino.
35:26At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban, sa karunungan, ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing.
35:27At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix, at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod, at sa pektoral;
35:28At ng mga espesia, at ng langis; na pangilawan, at langis na pangpahid, at pangmabangong kamangyan.
35:29Ang mga anak ni Israel ay nagdala ng kusang handog sa Panginoon; bawa't lalake at babae, na ang puso'y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin.
35:30At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel, Tingnan ninyo, tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda;
35:31At kaniyang pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, tungkol sa karunungan, sa pagkakilala, at sa kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain;
35:32At upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, na gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso,
35:33At sa pagputol ng mga batong pangkalupkop, at sa pagukit sa kahoy, na gumawa sa lahat ng sarisaring maiinam na gawa.
35:34At isinapuso niya ang katalinuhan, na siya'y makapagturo, siya at gayon din si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan.
35:35Sila'y kaniyang pinuspos ng karunungan sa puso upang gumawa ng lahat na sarisaring gawa, ng taga-ukit, at tagakatha, at ng mangbuburda sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, sa pula, at sa lino, at ng manghahabi, ng mga gumagawa ng anomang gawain, at ng mga kumakatha ng maiinam na gawa.
36:1At si Bezaleel at si Aholiab ay gagawa, at lahat ng matalino na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan at pagkakilala na maalaman kung paanong paggawa ng lahat ng gawa sa paglilingkod sa santuario, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon.
36:2At tinawag ni Moises si Bezaleel at si Aholiab, at lahat ng marunong na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan sa puso, lahat ng may pusong napukaw na pumaroon sa gawang gagawin:
36:3At kanilang tinanggap kay Moises ang lahat ng handog na dinala ng mga anak ni Israel na magagamit sa gawang paglilingkod sa santuario, upang gawin. At dinalhan pa nila siya ng kusang handog tuwing umaga.
36:4At nagsidating ang lahat ng mga taong matatalino, na gumagawa ng lahat na gawa, sa santuario, na bawa't isa'y mula sa kaniyang gawain na ginagawa;
36:5At sila'y nagsalita kay Moises, na nagsasabi, Ang baya'y nagdadala ng higit kay sa kinakailangan sa gawang paglilingkod, na iniutos gawin ng Panginoon.
36:6At si Moises ay nagbigay utos at itinanyag nila sa buong kampamento na sinasabi, Huwag nang gumawa ang lalake o ang babae man ng anomang gawang handog sa santuario. Na ano pa't sinangsala na ang bayan sa pagdadala.
36:7Sapagka't ang kagamitan na mayroon sila ay sapat na sa lahat ng gawa na gagawin, at higit pa.
36:8At lahat ng matatalinong lalake sa gumagawa ng gawa, ay gumawa ng tabernakulo na may sangpung tabing, na linong pinili, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula na may mga querubin na niyari ng bihasang manggagawa.
36:9Ang haba ng bawa't tabing ay dalawang pu't walong siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: lahat ng tabing ay magkakaisang sukat.
36:10At pinapagsugpong na isa't isa ang limang tabing: at ang ibang limang tabing ay pinapagsugpong na isa't isa.
36:11At siya'y gumawa ng mga presilyang bughaw sa gilid ng tabing, sa gilid ng pagkakasugpong: gayon din ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong.
36:12Limangpung presilya ang ginawa niya sa isang tabing, at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong: ang mga presilya ay nagkakatapat na isa't isa.
36:13At siya'y gumawa ng limangpung kawit na ginto, at pinapagsugpong ang mga tabing na ang isa'y sa isa, sa pamamagitan ng mga kawit: sa gayo'y naging isa ang tabernakulo.
36:14At siya'y gumawa ng mga tabing na balahibo ng mga kambing na magagamit sa tolda na nasa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang ginawa niya.
36:15Ang haba ng bawa't tabing ay tatlong pung siko, at apat na siko ang luwang ng bawa't tabing; ang labing isang tabing ay magkakaisa ng sukat.
36:16At kaniyang pinapagsugpong ang limang tabing at ang anim na tabing ay bukod.
36:17At siya'y gumawa ng limangpung presilya sa gilid ng unang tabing, sa dulo ng pagkakasugpong, at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong.
36:18At siya'y gumawa ng limangpung kawit na tanso ng papagsugpungin ang tolda, upang maging isa.
36:19At siya'y gumawa ng isang pantakip sa tolda na balat ng mga tupa na tininang pula, at ng isang takip na balat ng poka sa ibabaw.
36:20At siya'y gumawa ng mga tabla para sa tabernakulo na kahoy na akasia, na pawang patayo.
36:21Sangpung siko ang haba ng isang tabla, at isang siko't kalahati ang luwang ng bawa't tabla.
36:22Bawa't tabla'y mayroong dalawang mitsa na nagkakasugpong na isa't isa: gayon ang ginawa niya sa lahat ng tabla ng tabernakulo.
36:23At kaniyang iginawa ng mga tabla ang tabernakulo; dalawangpung tabla sa tagilirang timugan na dakong timugan:
36:24At siya'y gumawa ng apat na pung tungtungang pilak sa ilalim ng dalawang pung tabla: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa; at dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa.
36:25At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan, ay gumawa siya ng dalawang pung tabla.
36:26At ng kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla.
36:27At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa kalunuran ay gumawa siya ng anim na tabla.
36:28At dalawang tabla ang ginawa niya sa mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan.
36:29Na mga nasugpong sa tablang nauukol sa dakong ibaba at nauugnay na mainam hanggang sa itaas, sa isang argolya; gayon ginawa niya sa dalawang yaon sa dalawang sulok.
36:30At mayroong walong tabla, at ang mga tungtungang pilak, ay labing anim na tungtungan; sa ilalim ng bawa't tabla ay dalawang tungtungan.
36:31At siya'y gumawa ng mga barakilan na kahoy na akasia; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo,
36:32At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tabernakulo sa dakong hulihan na dakong kalunuran.
36:33At kaniyang pinaraan ang gitnang barakilan sa gitna ng mga tabla, mula sa isang dulo hanggang sa kabila.
36:34At kaniyang binalot ang mga tabla ng ginto, at gininto niya ang kanilang mga argolya na mga daraanan ng mga barakilan, at binalot ang mga barakilan ng ginto.
36:35At kaniyang ginawa ang lambong na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa.
36:36At kanilang iginawa ng apat na haliging akasia, at pinagbalot ng ginto: ang kanilang mga sima ay ginto rin: at kaniyang mga ipinagbubo ng apat na tungtungang pilak.
36:37At kaniyang iginawa ng tabing ang pintuan ng Tolda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili, na yari ng mangbuburda;
36:38At iginawa niya ng limang haligi sangpu ng kanilang mga sima: at kaniyang binalot ang mga kapitel at ang kanilang mga pilete ng ginto; at ang kanilang limang tungtungan ay tanso.
37:1At kahoy na akasia ang ginawang kaban ni Bezaleel: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon:
37:2At kaniyang binalot ng taganas na ginto sa loob at sa labas, at iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot.
37:3At ipinagbubo niya ng apat na argolyang ginto, sa apat na sulok niyaon; sa makatuwid baga'y dalawang argolya sa isang tagiliran.
37:4At siya'y gumawa ng mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng ginto.
37:5At isinuot ang mga pingga sa mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.
37:6At gumawa siya ng isang luklukan ng awa na taganas na ginto: na may dalawang siko at kalahati ang haba, at may isang siko't kalahati ang luwang.
37:7At siya'y gumawa ng dalawang querubing ginto; na niyari niya sa pamukpok sa dalawang dulo ng luklukan ng awa;
37:8Isang querubin sa isang dulo, at isang querubin sa kabilang dulo: na kaputol ng luklukan ng awa, ginawa niya ang mga querubin sa dalawang dulo.
37:9At ibinubuka ng mga querubin ang mga pakpak na paitaas, na nalililiman ng kanilang mga pakpak ang luklukan ng awa, na nagkakaharap ang kanilang mga mukha; sa dakong luklukan ng awa nakaharap ang mga mukha ng mga querubin.
37:10At ginawa rin niya ang dulang na kahoy na akasia; na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon:
37:11At binalot niya ng taganas na ginto, at iginawa niya ng isang kornisang ginto sa palibot.
37:12At iginawa niya ng isang gilid na may isang kamay ang luwang sa palibot, at iginawa ng isang ginintong kornisa ang gilid sa palibot.
37:13At ipinagbubo ng apat na argolyang ginto, at inilagay ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon.
37:14Malapit sa gilid ang mga argolya, na daraanan ng mga pingga, upang mabuhat ang dulang.
37:15At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng ginto, upang mabuhat ang dulang.
37:16At ginawa niyang taganas na ginto ang mga kasangkapang nasa ibabaw ng dulang, ang mga pinggan niyaon, at ang mga kutsara niyaon, at ang mga tasa niyaon, at ang mga kopa niyaon, na pagbubuhusan.
37:17At kaniyang ginawa ang kandelero na taganas na ginto: niyari niya sa pamukpuk ang kandelero, ang tungtungan niyaon at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon, at ang mga bulaklak ay kaputol niyaon:
37:18At may anim na sangang lumalabas sa dalawang tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero ay sa isang tagiliran, at tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran:
37:19Tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero.
37:20At sa kandelero'y may apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon:
37:21At may isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sanga na kaputol niyaon, sapagka't ang anim na sanga ay lumalabas doon.
37:22Ang mga globito at ang mga sanga ay kaputol ng kandelero: ang kabuoa'y isa lamang putol na yari sa pamukpok, taganas na ginto.
37:23At kaniyang ginawa ang mga ilawan niyaong pito, at ang mga pangipit niyaon, at ang mga pinggan niyaon, na taganas na ginto.
37:24Na isang talento na taganas na ginto ginawa niya, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon.
37:25At kaniyang ginawa ang dambanang suuban na kahoy na akasia: isang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, parisukat at dalawang siko ang taas niyaon; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.
37:26At kaniyang binalot ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga anyong sungay niyaon: at kaniyang iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot.
37:27At iginawa niya ng dalawang gintong argolya sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang panig, sa ibabaw ng dalawang panig, na pagsusuutan ng mga pingga upang mabuhat.
37:28At kaniyang ginawa ang mga pingga na kahoy na akasia, at mga binalot na ginto.
37:29At kaniyang ginawa ang banal na langis na pangpahid, at ang taganas na kamangyan na mainam na pabango ayon sa katha ng manggagawa ng pabango.
38:1At kaniyang ginawa ang dambanang pagsusunugan ng handog na kahoy na akasia: limang siko ang haba niyaon, at limang siko ang luwang niyaon, parisukat; at tatlong siko ang taas niyaon.
38:2At kaniyang ginawa ang mga anyong sungay niyaon sa ibabaw ng apat na sulok niyaon; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din: at kaniyang binalot ng tanso.
38:3At kaniyang ginawa ang lahat ng mga kasangkapan ng dambana: ang mga kawa, at ang mga pala, at ang mga mangkok, ang mga pangalawit, at ang mga suuban lahat ng kasangkapan ay kaniyang ginawang tanso.
38:4At kaniyang iginawa ang dambana ng isang salang tanso na ayos lambat, sa ibaba ng gilid ng dambana sa palibot niyaon, sa dakong ibaba, na umaabot hanggang sa kalahatian ng dambana.
38:5At siya'y nagbubo ng apat na argolya para sa apat na sulok ng pinakasalang tanso, sa mga dakong susuutan ng mga pingga.
38:6At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng tanso.
38:7At kaniyang isinuot ang mga pingga sa mga argolya na nasa mga tagiliran ng dambana, upang mabuhat; ginawa niya ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla.
38:8At kaniyang ginawa ang hugasan na tanso, at ang tungtungan niyao'y tanso, na niyari sa mga salamin ang tanso ng mga tagapaglingkod na babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
38:9At kaniyang ginawa ang looban, sa tagilirang timugan na dakong timugan, ang tabing ng looban ay mga linong pinili na may isang daang siko:
38:10Ang mga haligi ng mga yao'y dalawangpu, at ang mga tungtungan ay dalawangpu, tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.
38:11At sa dakong hilagaan ay may isang daang siko, ang mga haligi ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ay dalawangpu, tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.
38:12At sa tagilirang kalunuran, may mga tabing na may limangpung siko, ang mga haligi ay sangpu, at ang mga tungtungan ay sangpu; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.
38:13At sa tagilirang silanganan na dakong silanganan ay may limangpung siko.
38:14Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay may labinglimang siko; ang mga haligi ay tatlo, at ang mga tungtungan ay tatlo;
38:15At gayon din sa kabilang dako: sa dakong ito at sa dakong yaon ng pintuang daan ng looban ay may mga tabing na tiglalabing limang siko; ang mga haligi niyaon, ay tatlo, at ang mga tungtungan niyaon ay tatlo.
38:16Lahat ng mga tabing ng looban sa palibot, ay linong pinili.
38:17At ang mga tungtungan para sa mga haligi ay tanso: ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak; at ang mga balot ng mga kapitel ay pilak; at ang lahat ng haligi ng looban ay napipiletehan ng pilak.
38:18At ang tabing sa pintuang daan ng looban ay yari ng mangbuburda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili: at may dalawangpung siko ang haba, at ang taas sa luwang ay may limang siko, na kabagay ng mga tabing sa looban.
38:19At ang mga haligi ay apat, at ang mga tungtungan ay apat, tanso; ang mga sima ay pilak, at ang mga balot ng kapitel, at ang mga pilete ay pilak.
38:20At lahat ng mga tulos ng tabernakulo, at ng looban sa palibot, ay tanso.
38:21Ito ang mga bilang ng mga bagay sa tabernakulo, sa makatuwid baga'y sa tabernakulo ng patotoo, gaya ng binilang nila, ayon sa utos ni Moises para sa paglilingkod ng mga Levita sa pamamagitan ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
38:22At ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda, yaong lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.
38:23At kasama niya si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan, na tagapagukit, at bihasang manggagawa, at mangbuburda sa bughaw at sa kulay-ube, at sa pula, at sa lino.
38:24Lahat ng ginto na ginamit sa gagawin sa buong gawain sa santuario, sa makatuwid baga'y ang gintong handog ay dalawangpu't siyam na talento, at pitong daan at tatlongpung siklo, ayon sa siklo ng santuario.
38:25At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento, at isang libo't pitong daan at pitongpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:
38:26Na tigisang beka bawa't ulo, samakatuwid, kalahati ng isang siklo, ayon sa siklo ng santuario, sa bawa't isa na nasanib sa mga nabilang, magmula sa dalawangpung taong gulang na patanda, sa anim na raan at tatlong libo at limang daan at limangpung lalake.
38:27At ang isang daang talentong pilak ay ginamit sa pagbububo ng mga tungtungan ng santuario, at ng mga tungtungan ng mga haligi ng lambong; isang daang tungtungan sa isang daang talento, isang talento sa bawa't tungtungan.
38:28At sa isang libo't pitong daan at pitong pu't limang siklo, ay naigawa ng sima ang mga haligi at binalot ang mga kapitel, at iginawa ng mga pilete.
38:29At ang tansong handog ay pitongpung talento, at dalawang libo at apat na raang siklo.
38:30At siyang ipinaggawa ng mga tungtungan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at ng dambanang tanso, at ng salang tanso niyaon, at ng lahat ng kasangkapan ng dambana,
38:31At ng mga tungtungan ng looban sa palibot, at ng mga tungtungan ng pintuan ng looban, at ng lahat ng mga tulos ng dampa, at ng lahat ng mga tulos ng looban sa palibot.
39:1At sa kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, ay gumawa sila ng mga kasuutang mainam ang pagkayari upang gamitin sa pangangasiwa sa dakong banal, at ginawang mga banal na kasuutan kay Aaron; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
39:2At kaniyang ginawa ang epod na ginto, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
39:3At kanilang pinukpok ang ginto na pinanipis na pahaba at pinutol na ginawang kawad na ginto, upang itahi sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, at sa pula, at sa lino na gawa ng bihasang manggagawa.
39:4Kanilang iginawa ng mga pangbalikat, na nagkakasugpong: sa dalawang dulo ay nagkakasugpong.
39:5At ang mainam na pagkayaring pamigkis, na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis, ay kaputol at gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
39:6At kanilang ginawa ang mga batong onix na pinamutihan ng kalupkop na ginto, na ayos ukit ng isang panatak, ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel.
39:7At kaniyang inilagay sa ibabaw ng pangbalikat ng epod upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
39:8At kaniyang ginawa ang pektoral, na gawa ng bihasang manggagawa, gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
39:9Parisukat; kanilang ginawang nakatiklop ang pektoral: isang dangkal ang luwang niyaon, pagka nakatiklop.
39:10At kanilang kinalupkupan ng apat na hanay na sarisaring bato: isang hanay ay sardio, topacio, at karbungko na siyang unang hanay.
39:11At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zafiro, at isang diamante.
39:12At ang ikatlong hanay, ay isang jacinto, isang agata, at isang ametista.
39:13At ang ikaapat na hanay ay isang berilo, isang onix, at isang jaspe; na mga natatakpan ng mga pamuting ginto sa kanilang mga pagkakakalupkop.
39:14At ang mga bato ay ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel, labingdalawa, ayon sa kanilang mga pangalan; na ayos ukit ng isang panatak; bawa't isa'y ayon sa kaniyang pangalan, na ukol sa labingdalawang lipi.
39:15At kanilang iginawa ang pektoral ng mga tanikalang parang tirintas na ayos pinili na taganas na ginto.
39:16At sila'y gumawa ng dalawang pangkalupkop na ginto, at ng dalawang singsing na ginto; at inilagay ang dalawang singsing sa dalawang dulo ng pektoral.
39:17At kanilang ikinabit ang dalawang tanikalang pinili na ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral.
39:18At ang ibang dalawang dulo ng dalawang tanikalang ayos singsing ay kanilang ikinabit sa dalawang pangkalupkop, at mga ikinabit sa mga pangbalikat ng epod sa dakong harapan niyaon.
39:19At sila'y gumawa ng ibang dalawang singsing na ginto, at mga inilagay sa dalawang sulok ng pektoral sa gilid niyaon, na nasa dakong kabaligtaran ng epod.
39:20At sila'y gumawa ng dalawang singsing na ginto, at mga ikinabit sa dalawang pangbalikat ng epod sa dakong ibaba, sa may harapan, na malapit sa pagkakasugpong, sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod.
39:21At kanilang itinali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing, sa mga singsing ng epod ng isang panaling bughaw upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
39:22At kaniyang ginawa ang balabal ng epod na yari ng manghahabi, na taganas na bughaw;
39:23At ang butas ng balabal ay nasa gitna niyaon na gaya ng leeg ng isang koselete, na may isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg upang huwag mapunit.
39:24At kanilang ginawan ang mga ribete ng balabal ng mga granadang kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
39:25At sila'y gumawa ng mga kampanilyang taganas na ginto, at inilagay ang mga kampanilya sa pagitan ng mga granada sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, sa pagitan ng mga granada;
39:26Isang kampanilya at isang granada, isang kampanilya at isang granada, sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, upang ipangasiwa gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
39:27At kanilang ginawa ang mga tunika na lino na yaring hinabi para kay Aaron, at sa kaniyang mga anak,
39:28At ang mitra na lino, at ang mga mainam na tiara na lino, at ang mga salawal na lino na kayong pinili na lino,
39:29At ang bigkis na linong pinili, at kayong bughaw at kulay-ube, at pula, na gawa ng mangbuburda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
39:30At kanilang ginawa ang lamina ng banal na korona na taganas na ginto, at sinulatan ng isang titik na ayos ukit ng isang panatak, Banal sa Panginoon.
39:31At kanilang tinalian ng isang panaling bughaw, upang ilapat sa ibabaw ng mitra; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
39:32Gayon natapos ang buong gawa sa tabernakulo ng kapisanan: at ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa buong iniutos ng Panginoon kay Moises: gayon ginawa nila.
39:33At kanilang dinala ang tabernakulo kay Moises, ang Tolda at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, ang mga kawit, ang mga tabla, ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan;
39:34At ang takip na mga balat ng mga tupa na tinina sa pula, at ang takip na balat ng mga poka, at ang lambong ng tabing;
39:35Ang kaban ng patotoo at ang mga pingga niyaon, at ang luklukan ng awa;
39:36Ang dulang, lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang tinapay na handog;
39:37Ang dalisay na kandelero, ang mga ilawan niyaon, ang mga ilawan na inayos, at lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang langis na pangilawan;
39:38At ang dambanang ginto, at ang langis na pangpahid, ang mabangong kamangyan, at ang tabing na gamit sa pintuan ng Tolda;
39:39Ang dambanang tanso, at ang pinakasalang tanso, ang mga pingga at ang lahat ng mga sisidlan niyaon, ang hugasan at ang tungtungan;
39:40Ang mga tabing ng looban, ang mga haligi, at ang mga tungtungan at ang tabing na pangpintuang-daan ng looban, ang mga panali, at ang mga tulos, at lahat ng mga kasangkapan sa paglilingkod sa tabernakulo, na gamit sa tabernakulo ng kapisanan;
39:41Ang maiinam na pagkayaring kasuutan na gamit sa pangangasiwa sa dakong banal, at ang mga banal na kasuutan para kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
39:42Ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel ang lahat ng gawa.
39:43At nakita ni Moises ang lahat ng gawain, at, narito, kanilang nagawa na kung paanong iniutos ng Panginoon ay gayon nila ginawa: at pinagbabasbasan ni Moises.
40:1At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi,
40:2Sa unang araw ng unang buwan ay iyong itatayo ang tabernakulo ng kapisanan.
40:3At iyong isisilid doon ang kaban ng patotoo, at iyong tatabingan ang kaban ng lambong.
40:4At iyong ipapasok ang dulang, at iyong aayusin ang mga bagay na nasa ibabaw niyaon; at iyong ipapasok ang kandelero at iyong sisindihan ang mga ilawan niyaon.
40:5At iyong ilalagay ang dambanang ginto para sa kamangyan sa harap ng kaban ng patotoo, at ilalagay mo ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.
40:6At iyong ilalagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa harap ng pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
40:7At iyong ilalagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo at ng dambana, at iyong sisidlan ng tubig.
40:8At iyong ilalagay ang looban sa palibot, at ibibitin mo ang tabing sa pintuang daan ng looban.
40:9At kukuha ka ng langis na pangpahid, at papahiran mo ang tabernakulo, at lahat na nandoon, at iyong pakakabanalin, at lahat ng kasangkapan niyaon: at magiging banal.
40:10At iyong papahiran ng langis ang dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng kasangkapan, at iyong pakakabanalin ang dambana: at ang dambana ay magiging kabanalbanalan.
40:11At iyong papahiran din naman ng langis ang hugasan at ang tungtungan, at iyong pakakabanalin.
40:12At iyong dadalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong paliliguan ng tubig.
40:13At iyong isusuot kay Aaron ang mga banal na kasuutan; at iyong papahiran ng langis siya, at iyong papagbanalin siya, upang siya'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
40:14At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at iyong susuutan sila ng mga kasuutan:
40:15At iyong papahiran ng langis sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama, upang sila'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila'y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi.
40:16Gayon ginawa ni Moises, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayong ginawa niya.
40:17At nangyari sa unang buwan nang ikalawang taon nang unang araw ng buwan, na ang tabernakulo'y itinayo.
40:18At itinayo ni Moises ang tabernakulo, at inilagay ang mga tungtungan, at ipinatong ang mga malaking tabla, at isinuot ang mga barakilan, at itinayo ang mga haligi niyaon.
40:19At kaniyang inunat ang tolda sa ibabaw ng tabernakulo, at kaniyang inilagay ang takip ng tabernakulo sa itaas ng ibabaw niyaon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
40:20At kaniyang kinuha at inilagay ang mga tabla ng patotoo sa loob ng kaban, at kaniyang inilagay ang mga pingga sa kaban, at kaniyang inilagay ang luklukan ng awa sa itaas ng ibabaw ng kaban:
40:21At kaniyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo, at inayos ang lambong ng tabing, at tinabingan ang kaban ng patotoo: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
40:22At kaniyang inilagay ang dulang sa loob ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong hilagaan ng tabernakulo, sa labas ng lambong.
40:23At kaniyang inayos ang tinapay sa ibabaw ng dulang sa harap ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
40:24At kaniyang inilagay ang kandelero sa tabernakulo ng kapisanan, sa tapat ng dulang, sa tagilirang timugan ng tabernakulo.
40:25At kaniyang sinindihan ang mga ilawan sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
40:26At kaniyang inilagay ang dambanang ginto sa loob ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng lambong.
40:27At siya'y nagsunog doon ng kamangyan na mabangong espesia; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
40:28At kaniyang inilagay ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.
40:29At kaniyang inilagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at pinaghandugan ng handog na susunugin, at ng handog na harina; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
40:30At kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo, ng kapisanan at ng dambana, at sinidlan ng tubig upang paghugasan.
40:31At si Moises at si Aaron at ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa;
40:32Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, at pagka sila'y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
40:33At kaniyang inilagay ang looban sa palibot ng tabernakulo at ng dambana, at iniayos ang tabing ng pintuang daan ng looban. Gayon tinapos ni Moises ang gawain.
40:34Nang magkagayo'y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan, at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.
40:35At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan, sapagka't lumagay sa ibabaw niyaon ang ulap, at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.
40:36At pagka ang ulap ay napaiitaas mula sa tabernakulo, ay nagpapatuloy ang mga anak ni Israel sa kanilang buong paglalakbay:
40:37Datapuwa't kung ang ulap ay hindi napaiitaas, ay hindi nga sila naglalakbay hanggang sa araw na napaiitaas.
40:38Sapagka't ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyaon sa gabi, sa paningin ng buong lahi ng Israel, sa kanilang buong paglalakbay.
Alam na alam ng anak na babae ni Faraon kung kaninong sanggol ito. Kinikilala niyang anak ito ng mga Hebreo, kaya hindi maipapaliwanag ang ginawa niya bilang simpleng pagkakamali. Ginawang puntirya ng utos sa Exodo 1:22 ang mga lalaking sanggol na Hebreo. Ngunit ang mismong anak ng hari ang sumilip sa takba at nahabag. Inihanda ng ina ang maliit na sisidlan, nagbantay ang kapatid na babae sa di-kalayuan, at isang utusan ang kumuha nito mula sa mga tambo. Bago pa makagawa ng anuman si Moises, mga babaeng Hebreo at Ehipsiyo na ang kumikilos upang manatili siyang buhay. Ang magiging tagapagligtas ng bayan ay unang ipinakikilala bilang isang kailangang iligtas.
Walang sayang sa pagsingit ng kapatid. Hindi niya ibinunyag ang kanilang ugnayan o tinuligsa si Faraon sa isang mahabang talumpati. Nag-alok siya ng magpapasuso. Dahil dito, naibalik ang sanggol sa sariling ina, na babayaran pa ng sambahayang dapat sana ay pinakamalaking banta sa kanya. Nagkaroon ng di-inaasahang gastusin ang patakaran ni Faraon. Nasa pagbabaligtad na iyon ang banayad na katatawanan, hindi sa takot na pinagmulan nito: hindi na kayang itago ng ina ang sanggol. Hindi rin inilalarawan ang takba na namamasyal sa kahabaan ng Nilo. Inilagay ito sa mga tambo sa pampang, habang nasa malapit ang kapatid. Maingat at desperado ang pagkilos, na ipinapakita sa alkitran, papiro, batang nagbabantay, at sanggol na umiiyak. Nagsisimula ang malawak na kasaysayan sa maliliit na kamay na gumagawa ng kailangang gawin.